Time Stop
Raging Heart on cold.
Surviving sign.
Pampered and destroyed.
All hear is goodbye.
Black is the time
Stangers on hold.
White is my crime.
So bail me out.
I’m a fool that is cursed.
I who live in transparency
Cold-blooded junk
Eyes bound focused
Damn who interferes.
Damn to those who hears.
I am my world,
Here and beyond reality.
Not to be lost.
I live in transparency.
See me bold.
My invisibility unfolds,
Shame
I am my mystery.
*And so he looks on my way.
No intent to stare.
A glance of nothings tickles my brain
Not to give meaning,
but for a while my invisibility expires,
Somebody had found my existence.
Ang Dakilang TinoBaliw ang nagsasabing may pag-asa pa ang mundo.
Nahunghang sa paniniwalang magbabago pa ang tao,
At sa pangako ng bukas ay nakapako,
Sa kabilang dilim at panibugho.
Gising, mata’y imulat sa paligid.
Binabagtas ng kahapong bulag at bitin.
Ugnayang pinagtitibay ng mga pinatalim sa liha,
Yamot sa sistemang nagpakalam sa sikmura,
At sa meme ng bata’y nakisabay managinip,
Lohika ng pinagsabay na takbo ng isip.
Sa makipot na landas, malupit man, tatawirin.
Tapos sa sikat ng umaga’y doon sisilip.
At kung sa bagay masarap banggitin.
Magigiting na taong ay pawang mga baliw.
May tibok na pumiyok
May tibok na pumiyok,
naramdaman mo ba?
Nang magsama tayo sa magdamag,
kapiling ang mga buwan at butin ng gabi
Tinataglay ating mga ngiti
sa walang kakupas-kupas na pagbati.
Binabalot mo ang hiwaga sa mga tanong,
Mga tingin na walang pasubali,
Nilinaw mo ang nanglalabong diwa.
Binuhay mo ng mga kwentong pagsinta.
Sandaling natanga,
May tibok na naghuhumiyaw,
Siilin at isantabi,
Nagpupumiglas, naninikis
Naghihintay ng pag-amin.
Sa lilim ng ulan at ambon
Sa usok ng nanginginig na sound system
Sa pagsalungat sa di makasundong ulan at ambon,
Nababad ako sa gitna ng pagkakatindig
Sumandaling namangha sa nangyayari.
Habang ang kasama ay iwan ako panandali,
At ng mag-pihit ang lingon sa kinaroroonan,
Nagtagpo ang tingin na inaasam-asam.
Nagtagpo ang tingin at ako’y nagkuyom,
Sa papalakas na ulan at ambon.
At nagbalik sa walang nangyari
Ngunit kiniliti ang romantikong senti
At sa kasama’y biglang tumugon
Palayo sa binabagyong panahon
Magpuyos man ang loob sa pananahimik
Sa kakatuwang tagpo ng pag-ibig,
Natikman ang tamis ng sandali,
Habang puso’y malaya pa ring pipintig
Kasal
Awitan mo ako sa paanong tonong maaabot ng iyong diwa
At isasalin ko sa matatas kong dila.
Sintonado at malat man ang simula,
Sasabayan ko sa indayog ng aking mga paa.
Hindi matitinag o malalaos,
Hulma ng pinagbigkis na layon
Sa paano man at kailan magtatapos,
Ewan, hindi ko alam.
Koro ng pagpapalaya ng mga pusong pinag-isa.
Alumpihit
Bakit ako tinutya ng mga hindi pagtingin
at manawa’y dalita ng maghapon pagtunganga
sa magkabilang dulong pinagbuhol ng taksil na timawa
Mangilanngilan ang mga piping nagpilit magsalita
ngunit ginapos ng kahinaang sa pagkabanalang awa
May mga yabag na di matinag
At may bulong na nagsusumigaw
Hanggang saan ang walang hanggan,
Hanggang kailan ang mahabang digma
Kung sa ngayon may agam-agam
Bukas, mula’t akong lampa,
Magbanat man ng buto,
Lilinawin ang naglalabong diwa,
at lilingunin ang butong minsang naipunla.
Larong trapikoMagpakahilo-hilo na sa ilang oras na pagtuligsa,
sa bumubulusok na usok at alikabok sa aking mukha,
Sa layo ng agwat ng aking tanaw,
At masakit kong ulo gusto ng gumulong sa inis,
Binubwisit nitong ng matinding trapik,
Sadya bang masikip na ang mundo sa mga sasakyan?
At mga taong naglipana, nanggaling kung saan-saan?
Sa mabilis na pag-inog ng mundo tungo sa kaunlaran,
Isang ganap na kasalanan ang matigil
at mapako sa gitna ng daan.
Ano sa tingin mo ang tingin ko sa tingin mo?
Ugnayan.
Ang tao ay hindi nabubuhay para sa sarili lamang.
Hindi bumubuo ng pagpapasyang
hindi pinahahalagahan ang iba.
Ngunit di sa tamang impresyon lamang bumatay,
Bawat galaw,
Bawat sasabihin,
Pisikal at literal,
Mababaw.
Lilikha ng guni-guni ang isa pang guni-guni
Lilinawin ng diwa ang nanglalabong mga mata.
Ang lahat ay di magtatapos sa wala,
bagama’t ang simula ay sa wala nagmula.
Sa pulang pahinaHindi magdidikta ang tinta ng kanyang isusulat
O magproprotest sa kababawang isip
Hindi lalamunin ng makapangyarihang araw ang buwan
Anupa’t nagtatago na siya pagdating ng gabi
Maikli ang umaga, mula pagsilang hanggang pagtanda
At nagbabago ang lahat sa kontradiksyon,
dala ng paglipas ng panahon
Ngunit minsan sa lipunang bulag sa totoo.
May matatapang na mangangahas tumayo.
Mangangahas sa tintang kulay dugo
Magsisilbing panulat sa matuwid na yugto.
Hindi lang iisa ang gumuguhit sa kasaysayan
Hindi lang ng mga bayaning pinararangalan,
Sinasaklaw ng pagkilos base sa kakayahan,
Pagtugon ayon sa pangangailangan.
At mangungusap ang pulang pahina,
Imumulat ang mga salat sa pang-unawa.
Ihahain ang bagong ideya ng pagkaka-isa-
‘Sang lakas ng lipunang masa ang nagdadala.